Itayo ang bandila
Bangon buong madla
Ngayon ang simula
Nang pagbabago na dati'y wala
Kurapsyon ay talikdan
Buwayang pamahalaan
Bangon mahal kong bayan
Ako'y inyong sabayan
Tayo nang mag-aklas
Gamit ang talino at lakas
Katiwalian ay ilabas
Para sa magandang bukas
Henerasyon ng pagbabago
Yan ngayon ang Pilipino
Taas noo sa mundo
Sinisigaw "PILIPINO AKO!"
No comments:
Post a Comment